CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Tuesday, December 29, 2009

The Tease

Nyahaha...xDDD

Bakit kaya kapag naaasar ang bunso natutuwa ang panganay?! haha bad XDD

Wala lang, nakakatuwa kasi 'yung mga reaksyon nung kapatid ko sa mga kalokohan ko... Pero at least sinasakyan niya. Weird daw kasi 'yung humor ko, siya ang masama... hahah

Minsan pa nga, sa sobrang asar niya sa 'kin, sinasapak na 'ko, binubugbog-bugbog, parang punching-bag kumbaga... Pero siyempre gumaganti ako, pero 'yung tipong tama lang. Ganun naman 'ata magkulitan o maglambingan ang magkapatid. Sa paraang brutal, 'yung rambulan 'yung dating...

Ewan ko ba! Kung bakit sa lahat ng mga magkakapatid sa mundo, laging ang hilig -- away, hindi mawawala kahit anong gawin...

Alam ko na! Siguro walang thrill kapag walang away! Sa kahit ano mang relasyon yata meron 'yun, normal na bagay, kaya magtaka ka na kapag sa buong buhay mo mula nung pinanganak ka, Di ka pa nakikipag-away! Ibig sabihin lang no'n, abnoy ka... Abno! Biruin mo ba naman 'yun, ibig sabihin di ka pa nagkakamali, o 'yung tipong ipaglaban 'yung kung ano yung gusto mo...








0 comments: