CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »
Showing posts with label Dreams. Show all posts
Showing posts with label Dreams. Show all posts

Wednesday, December 30, 2009

The Vague Dream 2 (Ang Malabong Panaginip)

To be posted...

Si Mr. A na naging si Mr. B

Ito ay isa na naman sa mga wirdo kong mga panaginip, at ito ay may kinalaman na naman sa pagtupad ko sa PNK. Sa panaginip ko, mananalangin na dapat kami nung mga oras na yun ngunit bago kami nagsimula nakatingin ako sa isa sa mga ka-maytungkulin kong lalaki. Yung lalaking tinitingnan ko, nakita siya nung una at ang talagang nasa isip ko, siya si 'Mr. A' (di ko na po papangalanan). Tapos ang nakakapagtaka maya-maya ibang tao na ang tingin ko sa mismong taong binabanggit ko. Sa pangin ko pagkatapos nun nung muling tiningnan ko siya, siya na si 'Mr. B' ... Ang tanong ko po, kung may sakaling may nagbabasa man... Nakaranas ka na ba ng ganitong panaginip? Yung tipong, sa umpisa na panaginip mo, ang alam mo halimbawa, siya si Ben... Tapos kalaunan, magiging ibang tao na siya, magiging si Lito na siya para sa 'yo dahil iba na ang mukhang nakikita mo pero pareho pa rin na taong sangkot...

Tuesday, December 29, 2009

The Vague Dream 1 (Ang Malabong Panaginip)

Since in the first place I have written all my posts here in English, I've decided to post every now and then, starting today, some submissions into Filipino or Tagalog. I also don't want that all of my entries will be written on English terms. I could still consider myself as patriot, maybe not always, but in some ways. And I'll do my best not to switch codes as far as I could, but if ever there are selected words that I couldn't translate or has no corresponding word in Filipino, then I would just italicized it. Also, sometimes I will post some entries where the titles are formatted in English while the content is in Filipino.

And here is one more entry of mine for today, it's all about my WEIRD DREAM...




Si Crush... Kaso Di Pwede Eh~!

Sa totoo lang, hindi ko masyadong maintindihan 'yung panaginip ko, siguro dahil na rin sa hindi ko na rin masyadong matandaan. Ito ay nangyari nung Linggo, ika-27 nitong Disyembre, natulog ako nun ng hapon ngunit nagkaroon pa rin ako ng panaginip, at natatawa ako pagna-iisip ko ito ulit. Sa panginip kong ito, kasangkot ang isa sa ka-may-tungkulin ko sa PNK... at lalake siya. hahah* Xp

Di ako magbabangit ng pangalan, pero natatawa talaga ako, kasi nagtataka ako kung bakit ko siya mapapanaginipan, hahah* at ano ang ibig sabihin nun.

Ang naaalala ko, ahhh... Pa'no ko ba ito sisimulan? aaahh... eeeehhhh... Sige, bahala na... XDDD
Basta kausap ko siya sa panaginip ko, tapos may nalaman siya sa akin, hindi ko siguraado kung ikinuwento ko ba iyon o nalaman niya sa ibang tao at siyempre, yun ay sa panaginip ko pa rin. At ang nalaman niyang yun ay naging dahilan para magustuhan niya ko. (huwag ka pong masyadong mag-react, tandaansa panaginip lamang po ito...) Hindi ko nga rin sigurado, parang mayroon din akong nalaman sa kanya na siyang nagustuhan ko at parang naging dahilan ng pagkahulog loob ko sa kanya. Hindi ko din po alam, kung ikinuwento niya rin lang 'yun sa akin.

Opo, alam ko! naguguluhan ka po... Kahit din po ako eh, gusto ko nga rin po sanang maibahagi dito iyong mismong pangyayari kaso, malas po ako nakalimutan ko na 'yung mismong eksaktong detalye. Ang pagkakatanda at pagkakaalam ko lang ay masyadong ma-keso (ma-cheesy) 'yun. Ang landi 'no?
haha.. pwahahah... bwahahah... 'Eto na naman ako, natatawa! hahah...

Wala lang, gusto ko lang namang maibahagi sa iyo ang wirdong panaginip ko at para din hindi ko ito malimutan. Upang maaari ko pa itong balikan at tawanan o mas magandang sabihin na, 'tawanan ng tawanan'...