CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Wednesday, December 30, 2009

The Vague Dream 2 (Ang Malabong Panaginip)

To be posted...

Si Mr. A na naging si Mr. B

Ito ay isa na naman sa mga wirdo kong mga panaginip, at ito ay may kinalaman na naman sa pagtupad ko sa PNK. Sa panaginip ko, mananalangin na dapat kami nung mga oras na yun ngunit bago kami nagsimula nakatingin ako sa isa sa mga ka-maytungkulin kong lalaki. Yung lalaking tinitingnan ko, nakita siya nung una at ang talagang nasa isip ko, siya si 'Mr. A' (di ko na po papangalanan). Tapos ang nakakapagtaka maya-maya ibang tao na ang tingin ko sa mismong taong binabanggit ko. Sa pangin ko pagkatapos nun nung muling tiningnan ko siya, siya na si 'Mr. B' ... Ang tanong ko po, kung may sakaling may nagbabasa man... Nakaranas ka na ba ng ganitong panaginip? Yung tipong, sa umpisa na panaginip mo, ang alam mo halimbawa, siya si Ben... Tapos kalaunan, magiging ibang tao na siya, magiging si Lito na siya para sa 'yo dahil iba na ang mukhang nakikita mo pero pareho pa rin na taong sangkot...

0 comments: