Waahh! Naririnig mo ba iyon? 'Yung mga iba't-ibang ingay sa labas? Oo 'yun nga... Alam ko naririnig mo iyon! haha pwera na lang kung bingi ka... (biro lang po iyon!)
Ang dami ko nang naririnig na nagpapaputok, bale kagahapon pa nga 'yun eh, pati nung isang kahapon! Pero mas marami ngayon malamang...
Waahh, ulit!!! Nakakainggit naman yung nagbi-videoke sa labas ~eehh! Gusto ko din kumanta ~ Mag-videoke!
Kanina pa 'yun nang-iinggit! Dalawa pa nga iyon eh! isang batang babae tapos isa namang matandang lalake...
Palakasan sila ng stereo pa 'ka mo! Pero ngayon, 'yung kumakanta eh 'yung matanda na lang... Pan'no ko 'ka mo nalaman?? Siyempre sa kinakanta pa lang niya malalaman mo na agad... Tears in Heaven, alam mo 'yun di ba? 'Yung kay Eric Clapton! Di ba, sabi ko sa 'yo eh! hahah
Eto, 'yung sunod oh ~ I don't wanna talk about it!... haha nakalimutan ko 'yung title eh.. Di ako magaling diyan eh...
At ang trip naman ng mga bata dito -- torot! Bakit? Kasi, bawal lang namn pong magpaputok dito. Compound po kasi ito.
Ano ba yan! Ngayon may nagsi-sing-along na naman... Babae siya pero sa tingin ko hindi naman bata, medyo mas matanda sa kanina. 'Yung kinakanta niya, 'Wag na 'Wag mong Sasabihin ni Kitchi Nadal, tapos may nagtotorotot. Alam mo kung ano ginagawa? (Oo! Alam ko nagtotorotot siya, siyempre maliban dun...) Sabayan ba naman 'yung tono nung kumakanta ng 'wag mo na ng sabihin...' hahah, adik na bata 'yan! XD
Okay, Let's have a time check! It's already 9:17 PM...
Wuhooo!!! tatlong oras na lang mga tao, at BAGOOONG TAOOON NAAAA!!!
Masaya ba ako? ah.. ehhh.. ahmmm...Sige, Oo na lang! ):)
Basta, nawa magbago na 'ko. Ibig kong sabihin mabago ko 'yung mga mali sa akin, kahit hindi agad-agad. Kahit paunti-unti man lang sana...
Basta, nawa magbago na 'ko. Ibig kong sabihin mabago ko 'yung mga mali sa akin, kahit hindi agad-agad. Kahit paunti-unti man lang sana...
Lahat naman 'ata ng tao gustong
magbago-- o mas magandang sabihin na mabago ang ugali na dapat baguhin para sa sarili din niyang ikabubuti...
magbago-- o mas magandang sabihin na mabago ang ugali na dapat baguhin para sa sarili din niyang ikabubuti...





0 comments:
Post a Comment